Sunday, April 26, 2015

Pagmamahal at Pagbibigay ng Buhay



from: quoteslover.com


Simula palang nang tayo ay isilang ng ating ina, pasasalamat na sa Diyos ang ating sinasambit.Nang dahil sa kanya tayo ay nagkaroon ng buhay na ating hiniram lamang kaya dapat na ito ay ating ingatan.Ang ina ang nagsilang satin na mula sa sinapupunan palang ay nagsakrispisyo na,dapat lang na sila ay mahalin.Sabi nga sa Bibliya (genesis)"ang babae ay ang pinaka-dakilang likha ng Diyos".


Isang pasasalamat ang isilang tayo sa mundo sapagkat ating nakita ang ginawa ng Diyos,binigyan nya ng buhay at inalagaan. Dapat lamang na ating ibalik ang papuri at pasasalamat sa Diyos na lumikha sa atin at nagpahiram ng buhay,kahit tayo ay makasalanan nagawa niyang ialay ang sarili nya para sa atin.
Gaya ng ating ina,kaya nyang magsakripisyo para sa ikabubuti ng anak.Minsan masasaktan dahil sa katigasan ng ulo ng pinakamamahal na anak ngunit hindi nya magagawang itakwil ang kanyang dugo at laman.Magkaroon man ng pagsubok at mga suliranin ,ang ina ang laging takbuhan kapag may hilahil(problema).Ganyan ang pagmamahal nang isang ina at ang pagmamahal ng Diyos sa atin "walang kapantay". Kaya kung saan man tayo makarating wag na wag nating kalimutan na magpasalamat sa Diyos at sa ating ina na nagbigay-buhay sa atin.
From: The Passion of the Christ.image

Sana po ay nabigyan ko kayo ng inspirasyon para patuloy na ingatan ang buhay at mahalin ang ina,sarili at higit sa lahat ang Diyos na lumikha at nagbigay sa atin ng buhay...